Panahong kolonyal ng Amerikano (1898-1946)
Nagsimula ang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos nang magsama ang dalawang bansa upang labanan ang mga Kastila.[10] Bilang mga magka-alyado, binigyan ng mga sundalong Pilipino ang mga Amerikano ng mga mahahalagang impormasyon at suporta mula sa militar.[11] Ngunit, dumistansya ang Estados Unidos sa mga hangarin ng mga Pilipino. Hindi natuwa si Aguinaldo nang tumutol ang mga Amerikano na suportahan ang kalayaan ng Pilipinas.[11] Nagwakas ang relasyon ng dalawang bansa at tumaas ang tensyon nang naging malinaw ang pakay ng mga Amerikanong manatili sa mga pulo.[11]
[baguhin]Digmaang Pilipino-Amerikano
Noong Pebrero 4, 1899, matapos patayin ng dalawang Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa [[San Juan, Kalakhang Maynila|San Juan] Naging mas magastos at mas marami ang namatay sa digmaang ito kaysa sa Digmaang Espanyol-Ame'''Makapal na panitik'''rikano.[4] Humigit-kumulang 126,000 Amerikanong sundalo ang lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano ang namatay, pati na rin ang 16,000 Pilipinong sundalo na naging kasali sa isang pambansang gerilyang kampanya na walang tiyak na bilang ng mga kasapi. Nasa pagitan ng 250,000 at 1,000,000 sibilyan ang namatay dahil sa kagutom at sakit. Pinahirapan nila ang isa't isa."ang kakulangan ng mga sandata ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo laban sa mga Amerikano sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang gerilya.[12] Ang Malolos, na kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga Amerikano noong Marso 31,1899 ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang kabisera sa San Isidro, Nueva Ecija. Si Antonio Luna, ang pinakamagaling na kumander ni Aguinaldo, ay pinatay noong Hunyo. Dahil sa pagkamatay ni Luna at ang tuloy-tuloy na pagkatalo ng kanyang mga sundalo sa mga labanan sa Hilagang Luzon, pinalitan ng di-sentralisadong mga hukbong gerilya sa bawat sonang militar ang regular na hukbo noong Nobyembre 1899. Ang mga sibilyan, na naiipit sa pagitan ng mga Amerikano at mga rebelde, ay naghirap.<
Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901 at dinala sa Maynila. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos at nag-utos na sumuko ang kanyang mga kasama, na naging hudyat ng katapusan ng digmaan.[12] Ngunit nagpatuloy pa rin ang mga labanan sa ilang mga bahagi ng Pilipinas, lalo na sa Mindanao, hanggang noong 1913.,
[baguhin]Kolonya ng Estados Unidos
Tinuring ng Estados Unidos ang kanilang misyon sa Pilipinas bilang paghahanda ng mga Pilipino sa malayang pamamahala.[13] Itinatag ang pamahalaang sibil noong 1901, na pinamahalaan ni William Howard Taft, ang unang Amerikanong gobernador-heneral ng Pilipinas, na humalili kay Arthur MacArthur, Jr. Ang gobernador-heneral ang naging pinuno ng Komisyon ng Pilipinas, isang kapisanan na itinatag ng Estados Unidos na may kapangyarihang tagapagbatas at may limitadong kapangyarihang tagapamahala. Nagpatupad ang komisyon ng batas na nagtayo ng iba't ibang mga sangay ng pamahalaan, kasama na rin ang istilong hudisyal, serbisyong sibil at pamahalaang lokal. Itinatag ang Pambansang Pulisya (Philippine Constabulary) upang pamahalaan ang mga natitirang kilusang lumalaban sa mga Amerikano at nang hindi naglaon ay ginampanan rin nito ang mga responsibilidad ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos. Pinasinayaan ang halal na Asamblea ng Pilipinas noong 1907 bilang ang mababang kapulungan, samantalang ang Komisyon ng Pilipinas ang mataas na kapulungan.
Ang mga panukala ng Estados Unidos sa Pilipinas ay napalitan kasabay ng pagpapalit ng mga administrasyon.[4] Sa mga unang taon ng kolonyang pamamahala, ayaw ng mga Amerikano na ibigay ang karapatang pamamahala sa mga Pilipino. Ngunit, nang naging pangulo ng Estados Unidos si Woodrow Wilson noong 1913, isang bagong panukala ang ipinagtibay na naging daan sa kalayaan ng Pilipinas. Ang Batas Jones, na ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos noong 1916, ay naging batayan ng pagtatag ng isang pamahalaan, nagpangako ng kalayaan at pagtatatag ng inihalal na Senado ng Pilipinas.
Naganap noong dekada 1920 ang pakikipagtulungan at mga komprontasyon ng mga Pilipino sa mga gobernador-heneral ng Estados Unidos, depende kung kaya ng gobernador-heneral na pamahalaan ang kolonya kasama ang tagapagbatas ng bansa. Ang mga kasapi ng kongreso ay naghangad na makamit kaagad ang kalayaan mula sa Estados Unidos. Ipinadala sa Washington D.C. ang ilang mga misyong pang-kalayaan. Itinatag ang serbisyong sibil na pinamahalaan ng mga Pilipino noong 1918.
Ang pulitika ng Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo nito sa Estados Unidos ay pinamahalaan ng Partido Nacionalista, na itinatag noong 1907. Kahit naghangad ito ng madaliang paggawad ng kasarinlan, naging mataas ang suporta nito sa Estados Unidos sa mga panukala nito.[14] Pinamunuan ito ni Manuel L. Quezon, na naging pangulo ng Senado mula noong 1916 hanggang 1935.
Pinagmulan: Wikipedia